Nagretiro na ang Russian basketball player at dating NBA all star na si Andrei Kirilenko.
Ayon sa Utah Jazz player, kuntento na siya sa naging karera niya bilang isang professional basketball player ng NBA.
Ito na aniya ang panahon kung saan kailangan na niyang gumawa ng ibang bagay.
Matatandaang nagsimula ang 34-anyos na si Kirilenko sa Russian Giants CSKA Moscow bago tuluyang naglaro sa NBA para sa koponan ng Utah Jazz.
Taong 2004 nang mapili si Kirilenko na maglaro sa NBA All Star.
By Ralph Obina