Isang Russian passenger plane ang nag-crash sa Sinai Peninsula, sa Egypt.
Lulan ng eroplano ang 224 na pasahero nang bumagsak sa bulubunduking bahagi ng Sinai, kahapon.
Kinumpirma ng Egyptian Security at medical officials na walang nakaligtas sa plane crash at nagkalat ang bahagi ng katawan ng mga pasahero at debris sa naturang lugar.
Kaka-take off lamang ng Kogalymavia flight 9268 sa resort destination na Sharm el-sheikh, Egypt patungong saint Petersburg, Russia nang mag-crash malapit sa bayan ng El-arish.
Bagaman inako na ng Islamic State ang pagpapabagsak ang pag-atake gamit ang surface-to-air missiles, inihayag ng Russia na wala namang kakayahan ang I.S. na maglunsad ng airstrike gamit ang mga ballistic missile.
By: Drew Nacino