Isang Russian fighter jet ang pinagbagsak sa Idlib province, Syria.
Pinabagsak ang Russian Sukhoi-25 sa bahagi ng Idlib na kontrolado ng mga rebel group na Hayat Tahrir al-Sham Alliance na may kaugnayan sa Al-Qaeda.
Bagaman nakaligtas ang piloto matapos mag-eject, pinagbabaril naman ito ng mga terorista.
Ayon sa Russian defense ministry, abala ang naturang aircraft sa operasyon nito sa bayan ng Maasran nang puntiryahin ng teroristang grupo gamit ang isang portable anti-aircraft missile system na tinatawag na Manpad.
Agad namang gumanti ang Mga russo sa pamamagitan ng pagpapakawala ng mga cruise missile mula sa mga barkong naka-himpil sa Mediterranean Sea dahilan upang masawi ang nasa tatlumpung rebelde.
Ito ang unang beses na pinabagsak ng mga rebelde ang isang Russian fighter jet simula nang sumabak sa Syrian civil war ang Russia.