Ipina-deport ng Russian Forces ang libu-libong indibidwal mula Mariupol patungo sa Russia.
Sinabi ni Mariupol Mayor Vadym Boychenko, nasa 40K na mga Ukrainian ang ipinadala ng mga tropa ng russia patungo sa kanilang bansa.
Aniya, una na nilang nagawang ma-verify ang listahan ng mga indibidwal na ipinadeport sa Russia.
Ngunit hindi na ito makuha ngayon dahil itinago na umano ng Russian forces ang mga listahan ng mga ito.
Ayon pa kay Bonchenko, ang naturang mga indibidwak ay pinapadala ng Russian military sa iba’t ibang bansa upang pagtrabahuin sa iba’t ibang mga trabaho.