Ipinagmalaki ni Russian President Vladimir Putin ang aniya’y pagiging hari nila ng hypersonic weapons sa buong mundo.
Matapos makipagpulong sa Russian defense minister, sinabi ni Putin na walang ibang bansa ang nagmamay-ari ng mga hypersonic weapons na isang missile na may war head at singbilis ng hypersonic.
Bukod sa Russia, humahabol na rin umano ang Amerika at China sa paggawa ng kanilang hypersonic na armas.
Nagsagawa na ng testing ang China ng hypersonic aircraft habang kinontrata ng U.S. Air Force ang Lockheed Martin para gumawa ng missile.