Nakiramay at nakisimpatya si Russian President Vladimir Putin sa Pilipinas matapos ang pananalasa ng bagyong Odette.
Ipinaabot ni Putin ang kanyang mensahe kay Pangulong Rodrigo Duterte, sa pamamagitan ng official social media page ng Russian Embassy sa Pilipinas.
Ayon kay Putin, nakikiisa ang russia sa pagdadalamhati ng lahat ng nawalan ng mahal sa buhay at kaibigan dulot ng kalamidad at umaasa sa mabilis na recovery ng mga nasugatan.
Bukod sa Russia, nagpaabot din ng pakikiramay ang US Government sa mga biktima ng bagyo.