Dedma si Russian President Vladimir Putin sa direktang pandadawit sa kanya sa nerve – agent attack sa dating spy sa United Kingdom.
Ayon sa tagapagsalita ni Putin na si Dmitry Peskov, hindi dapat mag – akusa ang U.K kay Putin dahil ito ay paglabag sa diplomacy relations ng dalawang bansa.
Tinukoy nito ang naging pahayag ni UK Foreign Secretary Boris Johnson na direktang inakusahan si Putin na inutusan niya ang tangkang pagpatay sa dating russian spy at anak nito.
Bago ito, binigyan ng isang linggong ultimatum ni British Prime Minister Theresa May ang 23 Russian diplomat na lumisan dahil sa pagmamatigas na sagutin ang isyu.