Posibleng may kinalaman si Russian President Vladimir sa pagpatay sa dating Russian spy na si Alexander Litvinenko noong 2006.
Si Litvinenko ay napatay sa edad na 43-anyos sa London matapos na malason ng radioactive polonium na pinaniniwalaang nilagay sa ininom nitong kape.
Sa inilabas na resulta ng public inquiry ng Gran Britanya sa pagkamatay ng Russian spy, sinabi ni Chairman Robert Owen na posibleng binigyan ng go signal ni Putin ang pagpatay kay Litvinenko matapos ang matagal nang away.
Inutusan daw ng FSB Intelligence Service ng Russia ang dalawang suspek na sina Andrei Lugovoi at Dmitry Kovtun para patayin si Litvinenko.
By Mariboy Ysibido