Pormal nang nanumpa para sa kaniyang ika-apat na termino si Russian President Vladimir Putin.
Kasunod nito, nangako si Putin na isusulong nito ang reporma sa ekonomiya at ayusin ang buhay ng kaniyang mga kababayan.
Sinabi ni Putin sa kaniyang talumpati na layon niya na mapataas ang kanilang competitiveness ng Russia sa larangan ng teknolohiya.
Magugunitang muling nahalal si Putin noong buwan ng Marso makaraang makakuha siya ng pitumpu’t pitong porsyento ng boto.
(Photo Credit: AFP/ Getty Images)