Nagdeklara ng martial law si Russian President Vladimir Putin sa apat na rehiyon na sakop ng Ukraine.
Kasunod ito ng pagtanggi ng Kyiv Regime na kilalanin ang Russia at tanggihan ang iba’t-ibang panukala kaugnay sa pakikipag negosasyon upang mahinto na ang sagupaan kung saan, marami nang sibilyan ang nadamay at nasawi.
Kabilang sa 4 na rehiyon na inangkin ng Russia, ang Donetsk, Lugansk, Kherson at Zaporizhzhia makaraang masakop ito ng moscow sa gitna ng bakbakan sa pagitan ng dalawang bansa.
Sa ilalim ng batas na ipinatupad ng Russia, papayagan nito ang pagpapalakas ng militar, pagkakaroon ng curfew at magiging limitado na ang paggalaw sa apat na rehiyon.
Bukod pa dito, magkakaroon din ng censorship at interning sa mga dayuhang mamamayan.
Siniguro din ni Putin ang seguridad ng kanilang bansa para maprotektahan ang kaniyang nasasakupan laban sa kanilang mga kaaway na bansa.