Nais makaharap ni US President Joe Biden si Russian President Vladimir Putin.
Ang naturang pagpupulong ay hinggil sa patuloy na paglalagay ng mga sundalo ng Russia sa border ng Ukraine.
Dahil dito, tiniyak ng Amerika na pananagutin ang Russia sa ginagawang panghihimasok nito noong nakaraang US election.
Samantala, aayusin sa mga susunod na araw kung kailan gaganapin ang nasabing pulong.— sa panulat ni Rashid Locsin