Pinaiimbestigahan ni Russian president Vladimir Putin ang nangyaring pagkasunog sa tulay na nagko-konekta sa Crimean Peninsula at Russia.
Sinisi ng Crimean Parliamentary speaker na si Vladimir Kontantinov ang nangyaring pagsabog sa Ukraine.
Binuksan ni Pangulong Vladimir Putin noong 2018 ang 19 na kilometro na tulay sa buong Kerch Strait.
Sinasabing ito’y pangunahing target para sa pwersang Ukrainian na umaatake sa Russia.
Ayon naman sa explosive expert, hindi sanhi ng isang missile ang naganap na pagsabog.
Aniya, posibleng pinagplanuhan ang nasabing pag-atake.
Samantala, nagdulot naman ng pagkasunog ang mga oil tankers sa rail section at gumuho ang kalsada.
Gayunman, hindi pa direktang inaangkin ang pananagutan ng Ukraine sa naganap na pagsabog. —sa panulat ni Jenn Patrolla