Daan-daang labi ng mga Russian soldiers ang kinuha at isinilid sa isang refrigerated train sa labas ng Kyiv, Ukraine at hinihintay na maibalik sa kani-kanilang mga pamilya.
Ayon kay chief civil-military liaison officer Volodymir Lyamzin, na karamihan sa mga nasawing Russian soldiers ang mula sa Kyiv region, habang galing naman ang ilan sa rehiyon ng Chernihiv at iba pang bahagi ng Ukraine.
Bago ilagay sa refrigerated trains, sinabi ni Lyamzin na isinisilid muna nila sa isang puting bodybag ang wala nang buhay na katawan ng mga sundalong ito.
Dagdag pa ng military official ng Ukraine, na ipinakalat na nila sa iba’t ibang rehiyon na naapektuhan ng bakbakan ang kanilang mga tren upang kolektahin ang mga Russian soldiers na nasawi kasunod ng nagpapatuloy na bakbakan sa pagitan ng dalawang bansa.