Kasalukuyang nasa bansa ang isang Russian team para inspeksiyunin ang mga tuna processing plants at government facilities na siyang nagmo-monitor sa tuna industry sa bansa.
Ayon sa Department of Foreign Affairs o DFA, bahagi pa rin ito ng kooperasyon at pagpapalakas, hindi lamang sa pang-seguridad na ugnayan ng dalawang bansa, kundi maging sa kalakalan at agrikultura.
Mananatili umano sa bansa ang inspection team hanggang ngayong araw, Enero 27, 2018.
Mismong si Philippine Ambassador to Russia Carlos Sorreta ang nagpadala ng team noong Enero 19 matapos makipagpulong kay Konstantin Savenkov, Deputy Head ng Federal Service for Veterinary and Phytosanitary Supervision ng Russia.
—-