Nais buhayin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ruta na may byaheng Mindanao patungong Maynila.
Ayon kay Pangulong Duterte, nakakalungkot na makitang wala nang nagbibigay serbisyo sa mga mahihirap na nais magtungo sa Maynila dahil nahinto na ang byahe dito ng barko na mula sa Davao City.
Dagdag pa ng Pangulo maraming mga kalakal o ibang mga gamit ang maaaring isakay sa barko na hindi pwede sa eroplano.
Bukod dito may ilan din aniya na natatakot sumakay sa eroplano.
Dahil dito inatasan ni Pangulong Duterte si transportation Sec. Arthur Tugade na asikasuhin ang pagbubukas muli ng nasabing ruta.