Pahahabain at palalawakin ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Junior ang mga ruta ng EDSA Bus Carousel upang mabawasan ang trapiko sa Metro Manila.
Ito’y matapos talakayin sa kauna-unahang traffic townhall summit ang malalim na problemang kinahaharap ng bansa pagdating sa trapiko.
Ayon sa pangulo, hindi matutugunan ang problema sa matinding traffic kung hindi magkakaroon ng maayos na mass transit system sa bansa.
Maliban dito, bahagi rin ng plano ni pbbm ang pagsasaayos ng stations at paggawa ng tulay sa Pasig River.
Tututukan din ng pamahalaan ang mga active transportation facilities gaya ng mga walkways at bike lanes para isulong ang malusog at sustainable na paraan ng paglalakbay.