Tinukoy na ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) ang ruta ng Public Utility Vehicles (PUVs) na naniningil na ng 15 pisong minimum fare kahit wala pang pormal na kautusan dito.
Kasunod ito ng sinabi kahapon na ilang drayber ang naniningil na ng dagdag-pasahe dahil sa pagtaas ng presyo ng langis.
Ayon kay ka Orlando Marquez, presidente LTOP, nakarating sa kaniya ang ulat na ang biyahe ng Cubao-Antipolo ang nagtaas-pasahe dahil malakas kumain ng krudo ang kanilang mga sasakyan.
Una na itong tinawag ni ‘survival’ ni Marquez dahil sa pangangailangan ng mga drivers para sa kanilang pamilya.—sa panulat ni Abby Malanday