Walang mababago sa ruta ng traslacion ng poong Itim na Nazareno ng Quiapo sa darating na Enero 9 ayon sa Manila Police District (MPD).
Mula Quirino Grandstand, dadaan ang prusisyon ng Itim na Nazareno sa Katigbak Drive diretso patungo sa Padre Burgos hanggang sa makarating sa Jones Bridge.
Kakanan ito sa Kalye Dasmariñas, kakanan sa Plaza Sta. Cruz, kakaliwa sa Palanca hanggang makalagpas sa ilalim ng Quezon Bridge.
Kakaliwa naman ang prusisyon sa Quezon Boulevard, kakanan sa Arlegui, kakanan sa Fraternal, kakanan sa Vergara, kakaliwa sa Dugue de Alba, kakaliwa sa Kalye Castillejos, kakaliwa sa Farnecio.
Kakanan muli sa Arlegui, kakaliwa sa Nepomuceno, kaliwa sa Aguila, kakanan sa Carcer, kakanan sa Hidalgo patungo sa Plaza Miranda kung saan pansamantalang ititigil ang prusisyon para sa tradisyunal na dungaw sa harapan ng basilika ng San Sebastian.
Mula sa Plaza Miranda, kakaliwa ang andas patungong Bilibid Viejo diretso hanggang sa makarating sa Kalye Puyat, kakaliwa sa Guzman, kakanan muli sa Hidalgo, kakaliwa sa Barbosa, kakanan sa Globo de Oro na daraan sa ilalim ng Quezon Bridge.
Kakanan sa Palanca, kakanan sa Villalobos diretso sa Plaza Miranda kung saan magtatapos ang prusisyon pabalik ng simbahan ng Quiapo.