Kasado na ang ruta para sa homecoming parade ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa darating na ika-21 ng Pebrero.
Magpapatupad ng stop-and-go scheme ang MMDA o Metropolitan Manila Development Authority sa mga daraanang kalsada partikular na sa bahagi ng lungsod ng Pasay, Makati at Maynila upang magbigay daan sa parada.
Magpapakalat din ng mahigit 200 traffic enforcers upang siguraduhing walang iligal na nakaparadang sasakyan at iba pang uri ng obstruksiyon sa dadaanan ng parada.
Samantala, nanawagan naman ng kooperasyon ang MMDA sa publiko at mga motorista na maging mahinahon at habaan pa ang pasensya lalo na sa mga maaabala ng naturang parada.