“Mas mahal ko ang Pilipinas kaysa sa alok na trabaho sa Korea.”
Ito ang inihayag ni Ryan Bang sa gitna na rin ng aniya’y magandang oportunidad sa Korea para sa kaniya.
Sinabi ni Ryan na nais ng nanay niya na magtrabaho na lamang siya sa Korea dahil malaki ang offer subalit sinabihan naman siya aniya ng kaniyang tatay na piliin niya kung saan siya masaya.
Ayon kay Ryan, may alok sa kaniya para mapabilang sa video star ng MBC sa Korea na kaniyang tinanggihan dahil abala siya sa promotion ng pelikula kung saan isa siya sa mga bida.
Tatanggapin naman aniya niya ang nasabing alok sa Korea kung maipo-promote niya ng mabuti ang Pilipinas.
Binigyang diin ni Ryan na sobrang kumportable na siyang namumuhay sa Pilipinas sa loob ng labing tatlong (13) taon.
—-