Inamin ng aktor na si Ryan Bang na nami-miss na niya ang kaniyang mga magulang.
Katunayan, ayon sa Korean host at comedian, nais na niyang makasamang kumain ang mga ito.
Sa isang bahagi ng “Reina ng Tahanan” segment, tinanong kasi si bang kung ano ang mensahe niya para sa kanyang mga parents.
Matatandaang kamakailan ay inamin din ni Ryan na kahit nasa Pilipinas siya ay tuloy ang pagpapadala niya ng pera sa kanyang nanay sa Korea.