Nagpasalamat sa Maynilad Water Services ang aktres na si Ryza Cenon, matapos ang mabilis na aksiyon ng pamunuan hinggil sa mahigit P120, 000 na bill sa kanilang tubig.
Sa Instagram post ng Aktres, kaniyang ibinahagi ang litrato ng kanilang water bill, kung saan mula sa P120,000 na kanilang babayaran, ay bumaba nalang ito sa mahigit P2,100.
Ayon kay Ryza, maging ang pamunuan ng Maynilad ay nagtaka nadin sa laki ng kanilang babayarang water bill.
Dahil dito, agad na nagpunta ang Maynilad para palitan ang kanilang meter at i-check ang kanilang water line at napag-alaman na dahil sa leak o pagtagas ng tubig kaya tumaas ang kanilang water bill.
Ikinatuwa naman ni Ryza ang mabilis na pag-asista ng maynilad kung saan, ibinase nalang sa huling anim na buwan, ang kanilang bagong water bill na babayaran.