Sinagot ng aktres na si Ryza Cenon ang hate message ng isang netizen na umaakusa sa kaniya na sinasaktan umano niya ang kasamang batang aktres sa kanilang teleserye na Ika – 6 Na Utos.
Ito ay dahil sinabihan ng ‘bobo’ ang aktres ng isang basher kung saan inaakusahan nito ng pananakit si Ryza sa katrabaho nitong child actress na si Angelica Ulip at idinadamay pa ang mga mahal nito sa buhay.
Paliwanag ni Ryza sa kaniyang basher, hindi malakas ang ginagawa nitong pananakit sa bata dahil parte lamang ito ng teleserye.
Sa katunayan ay nasa set ang ina ni Angelica habang sila ay nagshu – shooting kaya’t imposibleng gawin niya ito sa batang aktres.
Sa huli, sinabi ni Ryza na huwag nang idamay ang mga mahal nito sa buhay dahil kontrabida lamang sa teleserye ang kaniyang ginagawa taliwas sa totoong buhay.
_____