Hindi pumasa ang South Korean SD biosensor COVID-19 antigen test sa evaluation ng Department Of Health base na rin sa mga itinakdang panuntunan ng World Health Organization (WHO)
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire hindi umabot ang naturang antigen test sa diagnostic performance na inirekomenda ng WHO na 80% sensitivity at 97% specificity.
71% sensitivity lamang aniya mayroon ang SD biosensor.
Subalit sinabi ni Vergeire na pinag-aaralan pa nila ang susunod na hakbang sa SD biosensor na aprubado ng WHO sa emergency use listing nito.
Ipinabatid ni Vergeire na isinailalim pa nila sa pilot testing ang effectiveness ng antigen test sa Baguio City bagamat hindi naman conclusive ang mga paunang resulta.