Nangako ang top local executives ng lalawigan ng Southern Leyte ng landslide win para sa Lakas-Christian Muslim Democrats Vice Presidential Aspirant at Davao City Mayor Sara Duterte, at sa buong Uniteam, sa pangunguna ni Partido Federal ng Pilipinas na si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Nagpahayag ng suporta ang mga nangungunang lokal na opisyal ng Southern Leyte sa BBM-Sara tandem sa isinagawan ‘Mahalin Natin ang Pilipinas’ caravan sa Liloan Baywalk sa Seaside View, Liloan.
Itinuturing ni Southern Leyte Gov. Damian Mercado si Mayor Sara na kabilang sa kanila.
Sinabi naman ni Vice Gov. Christoperson “Coco” Yap na hindi bababa sa 18 alkalde mula sa Southern Leyte ang nagdeklara ng buong suporta kina Mayor Duterte at Marcos.
Sina Mercado at Yap ay miyembro ng Partido Demokratikong Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).
Tiniyak naman ni Maasin City Mayor Nacional “Nikko” Mercado, na maghahatid ng “landslide win” ang Southern Leyte para sa BBM-Sara Uniteam.
Sa isang talumpati, pinasalamatan ng alkalde ang mga opisyal at binigyang diin ang kahalagahan ng pagiging makabayan at pagmamahal sa bayan.
Sinabi pa ni Inday Sara na pinahahalagahan niya ang bukas at nagkakaisang suporta ng mga local chief executive para sa kanilang tandem.