Ilulunsad ng Department Of Science and Technology (DOST) ang isang online travel management system sa kabila ng ipinapatupad na travel restriction sa bansa.
Sa pahayag ng DOST, maaaring magamit ng mga travelers ang ” Safe, Swift and Smart passage” o S-PaSS sa pamamagitan ng kanilang official website kailangan lamang i-register ang personal mobile number.
Maaaring mag-apply ng Travel Coordination Permit o TCP gamit ang S-paSS website sa mga lugar na may travel restriction.
Mula sa S-paSS, maaaring tignan ng mga travelers ang mga dokumentong kailangan ng mga LGU para makapag-apply ng TCP, na ipapasa rin sa website.
Kasunod nito, nakadepende na sa LGU ang pag-verify at pag-asikaso ng mga status dahil nakasalalay sa kanila kung gaano katagal ang pag-approve sa mga request.
Sinabi rin ng DOST, nasa LGU na ang responsibilidad kung gaano katagal o kabilis ang pag-approve sa mga ito.
Maaari rin mamonitor ng Local Government Units o LGU ang mga papasok at lalabas sa kanilang mga lugar.
Samantala, ilulunsad ang S-PaSS mamayang alas tres via Facebook live stream sa DOST-Philippines official Facebook page.— sa panulat ni Rashid Locsin