Hindi pa man tumatama sa kalupaan ang bagyong paeng, lubog na sa abot-baywang na baha ang mga residente sa ilang lugar sa mga lalawigan ng Aklan, Capiz at Iloilo.
Ayon sa Capiz Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, kabilang sa mga nakaranas ng pagbaha ang mga bayan ng Tapaz, Dumalag, Mambusao at Sigma.
Stranded naman ang maraming residente sa Numancia, Aklan makaraang umapaw ang Aklan river bunsod ng high tide.
Naghahanda rin ang mga residente sa kabisera na kalibo sa pag-apaw ng tubig sa mga ilog.
Nalubog naman sa abot-dibdib na baha ang Oquendo Elementary School sa bayan ng Balete.
Ang malakas na pag-ulan ay dulot ng shearline at trough (trap) ng bagyo.