Bahagyang tumaas ang antas ng tubig sa angat dam bunsod ng nararanasang pag-ulan dala ng nagdaang Bagyong Dodong at hanging habagat.
Ayon sa PAGASA, nakatulong ang pagtaas ng lebel ng tubig sa naturang dam upang matugunan ang suplay sa malaking bahagi ng Metro Manila kung saan mula sa dating 178.48 meters, tumaas ito ng 179.06 meters.
Aminado ang PAGASA, na bahagya mang tumaas ang water level sa angat dam, mababa parin ito sa 180 meters na minimum operating level nito.
Samantala, bukod sa Angat dam, bahagya ding tumaas ang lebel ng tubig sa binga, San Roque, La Mesa, pantabangan, at magat habang bumaba naman ang water level sa IPO, Ambuklao, at Caliraya dam.
Patuloy namang nakamonitor ang pagasa sa sitwasyon ng tubig sa mga nabanggit na dam.