Binaha ang ilang bahagi ng Lungsod ng Maynila dahil sa malakas na ulang dulot ng localized thunderstorms at shearline.
Gutter-deep ang baha sa kanto ng Taft at Pedro Gil Avenues maging sa panulukan ng Taft at United Nations Avenue.
Nagdulot ng pagbabagal ng daloy ng trapiko sa bahagi ng Rizal Avenue ang pagbaha habang ilang pasahero rin ang stranded habang naghihintay ng masasakyan pauwi.
Sa pag-iikot ng DWIZ, nakaranas din ng malakas na ulan sa EDSA at bahagyang pagbigat ng daloy ng trapiko sa Balintawak Area sa Quezon City.