Umorder ang Indonesia ng 42 Rafale Fighter Jets mula sa France, habang sinisikap ng Paris at Jakarta na palakasin ang kanilang defense agreement sa harap ng lumalaking tensyon sa Asia-Pacific.
Ayon kay indonesian Defense Minister Prabowo Subianto, selyado na ang deal para sa pagbili ng mga jet.
Bukod sa mga fighter plane, kabilang din sa nilagdaan ang pag-develop ng mga submarine at ammunition manufacturing.
Magugunitang napurnada ang submarine deal ng France at Australia matapos piliin ng Australian Government ang mga submarine at iba pang armas mula sa Amerika at Britanya. —sa panulat ni Mara Valle