Nagpatupad ng temporary ban ang Department of Agriculture (DA) sa pag-angkat o pagpasok ng anumang poultry products mula sa walong bansa sa gitna ng o h5n1 o avian influenza outbreak.
Epektibo ang ban sa lahat ng poultry products, gaya ng manok at sisiw mula Taiwan, Ecuador, Moldova, Peru, Czech Republic, Denmark, Ireland at Poland.
Agaran ding sinuspinde ng DA ang processing, evaluation ng application at issuance ng sanitary at phytosanitary import clearance ng mga nabanggit na produkto.
Ipinag-utos naman kagawaran na kumpiskahin ang lahat ng shipment mula sa mga nasabing bansa kung saan ilang kaso ng avian influenza ang naitala.