3 lalaki ang patay sa pamamaril sa bayan ng Sta. Margarita, Samar.
Kinilala ng Police Regional Office – 8 ang mga nasawing sina Ernesto Doinog, Jun-jun at Oeddie Deborbon habang sugatan sina Ronnie Medoranda at Gerry Deborbon.
Batay sa imbestigasyon, lulan ng motorsiklo ang mga biktima sa barangay Roxas nang tambangan sila ng mga armadong lalaki.
Ayon sa PRO – 8, ang mga suspek ay pawang miyembro ng Managaysay private armed group na binabantayan ng mga otoridad sa Samar.
Ito’y makaraang makilala umano ng isa sa mga biktima ang mga armadong lalaki.
Naganap ang insidente sa kabila ng umiiral na election gun ban kasabay ng opisyal na pag-arangkada ng campaign season bilang bahagi ng 2022 elections.