Kasalukuyan nang nasa Critical Risk Case Classification ang Pilipinas dahil sa patuloy na paglobo ng COVID-19 cases na pinaniniwalaang dulot ng mas nakahahawang Omicron variant.
Ito ang kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Duque, nasa critical classification na rin ang Metro Manila at mga karatig lugar.
Samantala, pinalitan na rin anya ng Omicron ang Delta bilang dominant variant sa bansa.