Kahit tapos na ang halalan, mananatili ang mga tauhan ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines sa kani-kanilang deployment sa 14 na Barangay Sa Lanao Del Sur.
Ito’y ang mga lugar kung saan nagdeklara ang COMELEC ng ‘failure of election’ dahil sa mga naitalang karahasan, pagbabanta at pananakot noong May 9 elections.
Ayon kay PNP Spokesperson, Col. Jean Fajardo, hindi muna nila ipinu-pull-out ang mga pulis na itinalaga bilang mga Special Board of Election Inspectors upang matiyak na mapapanatiling mapayapa ang eleksyon.
Sa Mayo 15, inaasahang magsasagawa ng special elections ang COMELEC sa 14 na barangay sa mga bayan ng Tubaran, Binidayan at Butig.