Dapat maging patas ang gobyerno sa implementasyon ng “No Vaccination, No Ride” policy sa pampublikong transportasyon na aarangkada sa Metro Manila simula sa Lunes.
Ito ang inihayag ng Commission On Human Rights sa gitna ng kaliwa’t kanang reaksyon ng iba’t ibang sektor sa nasabing polisiya.
Ayon kay CHR Commissioner, Atty. Leah Armamento, hindi naman sila tutol sa mga hakbang ng gobyerno kontra COVID-19 bagkus nais lamang nilang magkaroon ng regulasyon sa galaw ng mga tao, bakunado man o hindi.
Dapat din anyang timbangin muna ang magiging konsekwensya ng naturang kautusan at magiging epekto nito sa iba pang karapatan ng publiko.