Nagbabala ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA sa posibleng pagtama ng El Niño bago matapos ang taon.
Ayon sa PAGASA, ang pagtama ng malalakas na bagyo at maraming ulan ay malinaw na indikasyon na mararanasan ang matinding tagtuyot.
Inihalimbawa ng PAGASA ang naranasan noong taong 2009 nang manalasa ang bagyong Ondoy.
Sa tala ng ahensya, noon palamang Hulyo ay above normal level na ang naranasang na ulan sa bansa.
Sa ginagawang El Niño watch ng PAGASA, nasa animnapung (60) porsyento na ang tiyansang mabuo ang El Niño.
—-