Ipinatupad na ng lokal na pamahalaan ng Guian, Eastern Samar ang mandatory evacuation ng mga residente sa mga danger zone sa gitna ng banta ng bagyong Odette.
Katuwang ang mga pulis at bumbero, inilikas ng mga miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang mga naninirahan sa tabing-dagat.
Itinali naman ng ilang mangingisda ang kanilang mga bangka at bahay bilang preparasyon sa malakas na hanging dala ng bagyo.
Tiniyak din ni Guian Mayor Annaliza Gonzales Kwan sa mga residente sa evacuation centers na sapat ang kanilang mga supply, tulad ng food packs.
Samantala, suspendido na ang trabaho at klase sa nabanggit na lugar.