Kasalukuyang naka-himpil sa Pilipinas ang isa sa pinaka-malaking nuclear – powered aircraft carrier ng US Navy.
Ito’y bilang bahagi ng ugnayan ng Amerika at Pilipinas maging ng iba pang kaalyado sa indo-pacific region at upang magsagawa ng serye ng military training exercises kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP).
Biyernes nang dumaong sa Lungsod ng Maynila ang Nimitz Class – Aircraft Carrier USS Abraham Lincoln, na mayroong 5,000 crew, kabilang ang nasa 300 Filipino-American Sailors.
Ang nasabing barkong pandigma ay bahagi ng carrier strike group 3 na nasa ilalim ng US Naval Pacific Fleet.
Ayon kay Rear Admiral Jeffrey Anderson, Commander ng Strike Group 3, hindi nagbabago ang kanilang “commitment” sa mga ka-alyado at ka-partner sa Indo-Pacific Region.
Wala pang detalyeng ibinibigay ang AFP Kung hanggang kailan mananatili sa bansa ang US warship.