Pinag-iisipan na ng ilang jeepney operators at drivers na maglunsad ng tigil-pasada dahil sa walang prenong pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon kay Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas, President Orlando Marquez, nagpulong sila ng ilang jeepney operators at drivers at inihayag ng mga ito na plano nilang tumigil muna ng operasyon kung hindi tutulungan ng pamahalaan.
Kabilang sa mga nagpa-planong mag-tigil-pasada ang mga driver at operator sa Aparri, Cagayan; La Union, Ilocos Sur, Mountain Province, Cordiller, ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Umaabot na anya sa mahigit 70 ang presyo ng krudo sa mga nabanggit na lugar kaya’t kakarampot na lamang ang kinikita ng mga operator at tsuper.