Lumobo sa 98,000 pasaherong nais mag-Pasko sa kani-kanilang probinsya ang dumagsa sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Ayon kay PITX Spokesman Jason Salvador, naitala ang nasabing bilang kahapon at karamihan ay patungong Bicol o Visayas.
Halos fully-booked na anya ang lahat ng biyaheng probinsya sa PITX at suwerte na lamang kung makakuha ng vacant slot.
Blockbuster din ang pila ng mga pasahero sa Victory Liner Bus Station sa Caloocan City kaya’t bumuhos din ang mga sasakyan sa Monumento.
Pawang pa-Norte ang mga biyahero kaya’t nagdulot ng matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko sa Edsa-Monumento hanggang North Luzon Expressway-Balintawak exit.