Nanawagan sa libo-libong katao sa Northern Germany ang awtoridad na kumuha ng isa pang shot ng COVID-19 vaccine.
Ito ay matapos mapag-alaman ng kapulisan sa isang imbestigasyon na may red cross nurse na nakapagbakuna ng Saline solution.
Ayon sa ulat, pinaghihinalaan na nakapagpakuna ng salt solution ang nurse sa braso ng mamamayan imbes na totoong bakuna sa mga vaccination sites sa Friesland malapit sa North Sea Coast.
Tinatayang higit 8K ang apektadong residente kahit pa walang masamang dulot ang nasabing salt solution. Hindi malinaw ang motibo ng nurse, pero may mga opinyon ito patungkol sa bakuna sa kanyang social media.
Hindi rin malinaw kung naaresto na ba ang suspek o nasampahan man lang ng kaukulang reklamo.—sa panulat ni Rex Espiritu