Sa ika-apat na sunod na linggo ngayong Setyembre, inaasahang muling magpapatupad ng tapyas-presyo sa mga produktong petrolyo sa gitna ng lumiliit na halaga ng piso kontra dolyar.
Maglalaro sa P1.70 centavos hanggang P2 kada litro ang bawas sa kada litro ng gasolina; P1.20 centavos sa diesel habang P1.50 centavos sa kerosene o gaas.
Agosto pa nang huling magpatupad ng price hike ang mga kumpanya ng langis sa bansa.
Samantala, asahan na rin ang P1 hanggang P2 tapyas-presyo sa LPG.