Patuloy ang pagbulusok ng COVID-19 cases sa bansa sa nakalipas na halos isang linggo.
Sa datos kahapon ng Department of Health (DOH), nakapagtala ng karagdagang 16,953 COVID-19 cases o nananatili sa below 20K level sa ika-6 na sunod na araw.
Umabot naman sa 27,638 ang panibagong gumaling habang nakapagtala ng additional 20 deaths.
Dahil dito, sumampa na sa kabuuang 3, 545, 680 ang nagkakasakit at umakyat na rin sa 3, 288, 925 ang recoveries.
Mayroon na ring kabuuang 53,891 na namatay habang sumadsad na sa 202,864 ang aktibong kaso.
Samantala, tatlong laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa DOH.
Ang Region 6 ang may pinaka-makataas na COVID-19 cases sa lahat ng rehiyon matapos magtala ng additional 2K; NCR, 1,967 at Region 4-A, 1,871 cases.