Sa ika-apat na sunod na araw, muling sumampa sa mahigit 2,000 ang daily COVID-19 cases sa bansa.
Nakapagtala kahapon ang Department of Health ng karagdagang 2,560 cases dahilan upang lumobo sa 19,873 ang mga aktibong kaso.
Gayunman, mababa ang nasabing bilang sa naitalang infections noong Sabado na 2,578, pero mataas sa average daily cases na naitala naman noong July 4 hanggang 10 na 1,467.
Umakyat naman sa 3,733,101 ang total case load, kabilang ang 3,652,587 recoveries at 60,641 deaths.
Nananatili ang Metro Manila sa mga rehiyong may pinaka-maraming cases sa nakalipas na dalawang linggo na 9,713; sinundan ng CALABARZON, 5,420 at Western Visayas na may 2,261.
Samantala, nangunguna ang Quezon City sa mga lugar sa National Capital Region na may pinaka-mataas na kaso sa nakalipas na dalawang linggo na 1,886.