Karagdagang 4, 182 COVID-19 cases ang naitala ng Department of Health kahapon.
Ito na ang ika-apat na sunod na araw na umabot sa mahigit 4K ang arawang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Dahil dito, bahagyang bumaba sa 40, 016 ang active cases habang lumobo sa 3, 831, 941 ang total case load.
Karagdagang 44 new deaths naman ang naitala ng DOH kaya’t sumampa sa 61, 036 ang death toll habang umakyat na sa 3, 730, 889 ang recoveries.
Sa mga additional infection na naitala, pinakamarami ay mula sa Metro Manila na 1, 290.
Samantala, bahagyang bumaba sa 18.1% ang positivity rate mula August 7 hanggang 13 kumpara sa 18.7% noong July 31 hanggang August 6.