Sa ika-apat na sunod na linggo, muling nagpatupad ng tapyas-presyo sa kanilang mga produkto ang mga kumpanya ng langis.
Alas dose uno kaninang hatinggabi, buena manong inilarga ng Caltex ang piso at sitenta sentimos na bawas singil sa kada litro ng gasolina; tres pesos at kwarenta sentimos sa diesel habang kwatro pesos at kwarenta sentimos sa kerosene o gaas.
Umarangkada naman kaninang ala sais ang kahalintulad na price adjustments ng Petron, Shell, Flying V, Jetti Petroleum, Phoenix Petroleum, PTT Philippines, Petrogazz at Seaoil.
Samantala, alas otso uno rin mamayang umaga ilalarga ng Cleanfuel ang kanilang rollback.
Kabilang sa tinukoy ng Department of Energy na dahilan ng pagmura ng krudo ang pasya ng organization of petroleum exporting countries na pigilan ang pagbabawas ng supply.