Sa ikalawang sunod na araw, muling bumaba ang bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Batay sa datos ng Department of Health, umabot na lamang sa 24,938 ang additional COVID-19 cases habang nakapagtala ng 35,461 na bagong recoveries, kahapon.
Dahil dito, mayroon ng 3, 442, 56 na kabuuang kaso ng COVID-19 habang 3, 125, 540 na ang mga gumaling.
Nakapagtala naman ng 47 additional deaths kaya’t sumampa na sa 53, 519 ang bilang ng mga pumanaw dulot ng COVID-19 habang bahagyang bumaba ang aktibong kaso sa 262,997.
Samantala, limang laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa DOH.