Karagdagang 1,886 COVID-19 cases ang naitala ng Department of Health kaya’t sumirit pa sa 3,927,120 ang kabuuang kaso sa bansa.
Ito na ang ikalawang sunod na araw na mas mababa pa sa 2,000 ang naitalang COVID infections.
Dahil sa panibagong mga kaso, bahagyang umakyat sa 27,284 ang active cases kahapon kumpara sa 27,257 noong Martes.
Nangunguna pa rin ang National Capital Region sa may pinaka-maraming kaso na 11,989; sinundan ng CALABARZON, 4,264; Central Luzon, 2,436; Davao Region, 1,293 at Western Visayas, 935.
Dagdag 1,730 naman ang recoveries kaya’t sumampa sa 3,837,179 ang mga gumaling habang additional 37 fatalities ang naitala dahilan upang tumungtong na sa 62,657 ang death toll.