Sumadsad sa 1,099 additional covid-19 cases ang naitala ng Department of Health sa bansa kahapon, ang pinaka-mababang arawang kaso sa nakalipas na anim na araw.
Ito rin ang ikatlong sunod na araw na mas mababa sa 1,500 ang naitalang bagong covid-19 cases sa bansa at ika-labing-isang sunod na araw na mas mababa sa 2,000.
Batay sa DOH, sumampa na sa mahigit 4 na milyon ang total caseload, kabilang ang 3.9 million recoveries habang umakyat sa 64,074 ang death toll matapos madagdagan ng 41.
Bumaba naman sa 20,227 ang aktibong kaso, ang pinaka-mababang active cases simula noong July 17.
Nangunguna pa rin ang Metro Manila sa mga rehiyong may pinaka-mataas na bagong covid-19 infections sa nakalipas na dalawang linggo na 5,106; sinundan ng Calabarzon, 3,170 at Central Luzon, 1,855.