Umabot na sa 7% ang naitalang pagtaas ng bagong kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) sa nakalipas na linggo.
Ayon kay OCTA Research Group Fellow, Dr. Guido David, umakyat sa 85 ang naitalang bagong kaso sa NCR mula April 24 hanggang 30 kumpara sa 79 noong nakalipas pang linggo.
Sumampa rin sa point 79 mula sa dating point 66 ang reproduction number o ang bilang ng mga taong nahahawaan ng virus ng isang COVID-19 positive person.
Sa kabila nito ay inihayag ni David na nananatiling “low risk” sa COVID-19 ang Metro Manila hanggang nitong April 30 kaya’t wala pang dapat ikabahala ang publiko.
“Very low” risk din ang healthcare utilization rate na nasa 21% at ICU utilization rate na 19% habang nasa 1.4% ang positivity rate sa rehiyon.